Karapatan ng Mga Hayop
Ang mga hayop ay isa sa mga nilalang ng diyos katulad din nating mga tao. Bawat isa ay may karapatang mabuhay. Nararapat lang na bigyan ang mga hayop ng tamang pagtatrato at pagpapahalaga. Masasabi man na hindi sila nakakapag salita pero mayroon din silang damdamin. Malaki din ang nagiging ambag ng mga hayop sa bawat isa sa atin tulad ng pagiging bantay sa ating tahanan nagbibigay aliw at nagiging parte din sila ng ating pamilya. Kaya dapat lang itong itrato ng tama gaya ng pagtrato natin sa ating kapwa.
Maraming malupit sa hayop, pinahihirapan, tinotortyur at pinapatay sa kabila ng may batas ukol sa pagpapahalaga ng mga hayop tila wala naming silbi at marami paring nagpapahirap at nagmamalupit sa mga ito. Sa lahat ng mga hayop, aso ang nakakaranas ng pagmamalupit. Itinuturing pa amang itong “man’s bestfriend “. Yung iba ay pinagkakakitaan sa pamamagitan ng pagbebenta nang karne nito. Isa sa pinakamalaking isyu ng pang-aabuso sa hayop ay ang “Yulin Festival” sa China, isang selebrasyon kung saan kinakatay ang mga aso at ginagawang pagkain ang karne nito. Halos sampong libo hanggang labing limang libong aso ang pinapatay sa nasabing fiestival. Taon taon itong ginagawa sa loob ng sampung araw.
Marami ang nang – gagalaiti sa galit sa ganitong tradisyon ng China. Dahil dito sa Pilipinas, tinuturing na bahagi ng pamilya ang mga alagang hayop kaya naman maigting ang panawagan ng taumbayan para matigil ang ganitong gawain. Maraming kaso ang maaaring harapin ng mga taong mahuhuling mananakit ng mga hayop. May mga batas sa Pilipinas ang mangangalaga sa kapakanan ng mga hayop. Una, ang RA 8485, na mas kinilala bilang Animal Welfare Act, ang unang batas na nagtadhana sa makataong pangangalaga ng mga mamamayan sa lahat ng hayop sa Pilipinas. Binuo ng batas na ito ang Committe on Animal Welfare na siyang mamumuno sa pagpapatupad ng batas. Sinasabi ng batas na dapat mabigyan lahat ng hayop sa Pilipinas ng wastong pangangalaga at maaaring maparusahan ang sinumang mapatunayan na lumabag dito. Sa Sec. 6 ng batas, ipinagbabawal ang pagmamaltrato at pag-torture sa mga hayop. Ipinasa rin sa sa bahaging ito ang batas na hindi maaring pumatay ng hayop, maliban sa mga hayop na kinakain tulad ng baboy , baka, tupa, kambing, manok, at iba pang poultry , kuneho, kalabaw, kabayo, usa at buwaya. Isang paglabag sa batas ang pagpatay sa mga hayop Liban lamang kung ito ay dahil sa ritwal ng isang relihiyon, malubhang sakit ng hayop at animal control kung saan nasa bingit ng panganib ang hayop o mga taong malapit dito. Itinuturing na isang Land Mark Law ang animal welfare act dahil ito ang unang kimilala ng kalupitan sa hayop bilang isang paglabag sa batas. At ang pangalawa ang RA 10631 pinirmahan kamakailan ni Pangulong Noynoy Aquino ang RA 10631 upang paigtingin ang kasalukuyang batas na umiiral kaugnay ang animal welfare. Ilan sa mga amyenda o pagbabagong itinadhana ng RA 10631 ay ang masmataas na piyansa o parusa kapag napatunayan ang paglabag sa Animal Welfare Act. Itinaas ang RA 10631 ang multa sa paglabag ng batas, mula sa P1000.00 hanggang P5, 000.00 hanggang P100, 000.00. inihiwalay rin nito ang mga parusa sa bawat opensa at idinagdag bilang paglabay sa batas ang sinumang mapapatunayang pinabayaan ang hayop na nasa kanyang pangangalaga.
“Ang aso ang kaisa isang bagay sa mundo na kaya kang mahalin higit pa sa pagmamahal nya sa kanyang sarili”. Isang sipi mula kay Josh Billings. Na nangangahulugang na ang hayop na kaya kang mahalin higit pa sa kanilang sarili. Sa kabila ng pang-aabuso sa kanila kaya nilang magpatawad, makalimot, at magbalik ng pagmamahal sa mga nangangalaga sa kanila ng walang hinihinging kapalit. Kaya meron silang karapatang mabigyan ng buhay at tamang pagtrato. Sa pagsunod sa mga batas ukol sa mga karapatan ng mga hayop dito natin maipapakita ang ating pagmamahal at pagpapahalaga sa mga hayop. Nabibigyan sila ng tamang pangagalaga upang mabuhay ng pantay katulad nating mga tao.
Reference:]
-Irvin Cortez/CM, GMA News http://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs
http://kahayupandimakatarungan.blogspot.com
Marami ang nanggalaiti at nagalit nang kamakailan ay muling kumalat sa internet ang isang “crush video,” kung saan walang-awang tinapak-tapakan at nilamog ang katawan ng isang tuta hanggang sa ito'y mamatay.
Sa Pilipinas, itinuturing na bahagi ng pamilya ang mga alagang hayop, kaya naman maigting ang panawagan ng taumbayan para maparusahan ang mga nasa likod nito.
Taong 2011 nang madakip ang itinuturong mastermind sa paggawa ng crush videos sa bansa. Kasalukuyan pa ring nakakulong ang mag-asawang Victor at Dorma Ridon na mga suspek sa likod ng production ng crush videos mula sa kanilang bahay sa La Union.
Anu-anong kaso nga ba ang maaaring harapin ng mga taong mahuhuling nananakit ng mga hayop? Ito ang mga batas sa Pilipinas ang nangangalaga sa kapakanan ng mga hayop.
Republic Act No. 8485
AN ACT TO PROMOTE ANIMAL WELFARE IN THE PHILIPPINES, OTHERWISE KNOWN AS “THE ANIMAL WELFARE ACT OF 1998”
Taon ng Pagsasabatas: 1998, pirmado ni Pangulong Fidel V. Ramos
Ang RA 8485, na mas kilala bilang Animal Welfare Act, ang unang batas na komprehensibong nagtadhana sa tama at makataong pangangalaga ng mga mamamayan sa lahat ng hayop sa Pilipinas. Binuo ng batas na ito ang Committee on Animal Welfare na siyang mamumuno sa pagpapatupad ng batas.
Sinasabi ng batas na dapat mabigyan ang lahat ng hayop ng wastong pangangalaga, at maaaring maparusahan ang sinumang mapatunayang lumalabag dito.
Sa Sec. 6 ng batas, ipinagbabawal ang pagmaltrato at pag-torture sa mga hayop. Ipinasa rin sa bahaging ito ng batas na hindi maaaring pumatay ng hayop, maliban sa mga hayop na kinakain tulad ng baka, baboy, kambing, tupa, manok at iba pang poultry, kuneho, kalabaw, kabayo, usa at buwaya.
Isang paglabag sa batas ang pagpatay sa mga hayop na hindi nabanggit liban na lamang kung ito ay dahil sa ritwal ng isang relihiyon, malubhang sakit ng hayop, at animal control kung saan nasa bingit ng panganib ang hayop o mga taong malapit dito.
Itinuturing na isang landmark law ang Animal Welfare Act dahil ito ang unang kumilala ng kalupitan sa hayop bilang isang paglabag sa batas.
Republic Act No. 10631
AN ACT AMENDING CERTAIN SECTIONS OF REPUBLIC ACT NO. 8485, OTHERWISE KNOWN AS “THE ANIMAL WELFARE ACT OF 1998"
Taon ng Pagsasabatas: 2013, pirmado ni Pangulong Benigno S. Aquino
Pinirmahan kamakailan ni Pangulong Noynoy Aquino ang RA 10631 upang paigtingin ang kasalukuyang batas na umiiral kaugnay ng animal welfare.
Ilan sa mga amyenda o pagbabagong itinadhana ng RA 10631 ay ang mas mataas na piyansa o parusa kapag napatunayan ang paglabag sa Animal Welfare Act. Itinaas ng RA 10631 ang multa sa paglabag ng batas; mula sa dating P1,000 hanggang P5,000, ginawa itong P50,000 hanggang P100,000. Ihinawalay rin nito ang mga parusa sa bawat opensa at idinagdag bilang paglabag sa batas ang sinumang mapatunayang pinabayaan ang hayop na nasa kanyang pangangalaga.
Panukalang Batas: House Bill 914
AN ACT TO PROHIBIT ANIMAL CRUSH VIDEO, and PROVIDING PENALTIES FOR VIOLATIONS THEREOF
Taon ng Panukala: 2013
May-akda: Rep. Irwin Tieng
Progreso: Committee Level
Ang panukalang ito ang unang hayagang pagbabawal sa paggawa ng mga crush video at ang pamamahagi nito sa anumang medium na maaring gamitin.
Nakasaad sa panukala na ang magiging parusa sa paglabag nito ay pagkakakulong ng tatlo hanggang pitong taon ,o kaya ay piyansang mula P100,000 hanggang P300,000.
Nasa Mababang Kapulungan pa ang panukala sa kasalukuyan.— Irvin Cortez/CM, GMA News
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento